Sa Babasa Nito (To the Reader)

Kay Celia - A podcast by Dean Bocobo

Categories:

1 Salamat sa iyo, O nanansang irog, kung halagahan mo itong aking pagod; ang tula ma'y bukal ng bait na kapos, pakikinabangan ng ibig tumarok. 2 Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap, palibhasa'y hilaw at mura ang balat; nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap, masasarapan din ang babasang pantas. 3 Di ko hinihinging pakamahalin mo, tawana't dustain ang abang tula ko; gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang baguhin ang berso. 4 Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo, bago mo hatulang katkatin at liko, pasuriin muna ang luwasa't hulo, at makikilalang malinaw at wasto. 5 Ang may tandang letra alinmang talata, di mo mawatasa't malalim na wika, ang mata'y itingin sa dakong ibaba, buong kahuluga'y mapag-uunawa. 6 Hanggang dito ako, O nanasang pantas, sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad; Sa gayong katamis wikang masasarap ay sa kababago ng tula'y umalat.